Bilang pagkilala sa mga huwarang manggagawa ng Batanes State College (BSC), matagumpay na idinaos ang Gabi ng Parangal noong 14 Agosto 2026 sa BSC Amphitheater. Dinaluhan ito ng mga BSC officials, faculty members, administrative personnel, at BSC retirees upang sama-samang ipagdiwang ang kahusayan, dedikasyon, at natatanging ambag ng mga kawani sa patuloy na pag-unlad ng institusyon.

Sa kanyang pambungad na pananalita, binati ni Dr. Angelita H. Vargas, College Vice President, ang mga awardees at binigyang-pugay ang kanilang kahusayan, tiyaga, determinasyon, at sakripisyong patuloy nilang ipinapakita sa kanilang paglilingkod sa BSC. Hinikayat din niya ang buong BSC community na gawing inspirasyon ang mga pinarangalan at patuloy na maglingkod nang may dedikasyon at pagpapakumbaba.

Samantala, sa kanyang mensahe, inihambing ni Dr. Djovi Regala Durante, College President, ang BSC academic community sa isang Ivatan proverb na, “Abu vahay a maychatani” — No house is alone. Aniya, “Just like the stone houses here in Batanes whose stones are gathered one by one, fitted together by hand, each one carrying its share of the weight until together they stand firm against the fiercest storms the sea can send. This is who we are as a BSC family. Tonight, we pause to recognize some of those stones by name.” Binigyang-diin ni Dr. Durante na ang bawat sakripisyo, oras, at mahusay na gawaing iniaalay para sa BSC ay may kabuluhan at nararapat kilalanin. Sa kanyang mensaheng pangwakas, hinikayat niya ang bawat isa na patuloy na itayo ang BSC at maglingkod nang may puso—para sa BSC, para sa ating mga mag-aaral, at para sa isa’t isa—hanggang sa maiwan natin ang isang matatag na bahay, tested by storms yet standing still.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbati sa mga BSC employees na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, na sinundan ng simpleng salu-salo at pag-aalay ng cake. Nagbigay rin ng saya sa gabi ang mga natatanging pagtatanghal ng talento ng BSC employees.

Ang pinakatampok ng gabi ay ang Paggawad ng Parangal kung saan kinilala ang mga natatanging kawani sa iba’t ibang larangan:
Special Recognition Awards:
🏆 Presidential Merit Award
Ms. Daryl Alva B. Duguran
Ms. Lucille V. Telmo
Mr. Kurt G. Hostallero
Ms. Syra Karla C. Gordo
Ms. Xina V. Vinalay
Dr. Michel A. Cabrera
Outstanding Employee Awards:
🏆 Outstanding Administrative Personnel (Second Level Position)
Mr. Kurt G. Hostallero
🏆 Outstanding Administrative Personnel (First Level Position)
Mr. Reynaldo C. Iligan, Jr.
🏆 Outstanding Faculty Member (Associate Professor)
Dr. Michel A. Cabrera
🏆 Outstanding Faculty Member (Assistant Professor)
Dr. Jane S. Castillo
🏆 Outstanding Faculty Member (Instructor)
Mr. Mark Angelo Z. Redondo
Exemplary Performance Awards:
🏆 Exemplary Behavior Award (Administrative)
Engr. Romina Katrina B. Bernardo
🏆 Exemplary Behavior Award (Faculty)
Dr. Angelita H. Vargas
🏆 Outstanding Extensionist Award
Mr. Warlito M. Tomas, Jr.
🏆 Outstanding Research Award
Ms. Xina V. Vinalay
🏆 Outstanding Job Order / Contract of Service
Ms. Maida B. Gasilao
Commitment Awards:
🏆 Loyalty Award
Dr. Angelita H. Vargas (40 years)
Ms. Vilma D. Baccay (35 years)
Mr. Warlito M. Tomas, Jr. (10 years)
Dr. Michel A. Cabrera (10 years)
Arch. Kelvin John B. Baldovino (5 years)
Ms. Jenny S. Alina (5 years)
Ms. Rhea Angelica B. Addatu (5 years)
🏆 Best IGP Sales Award – Catering Services
Ms. Noemi M. Eriful
Ms. Janely M. Labrador
Ms. Juliet P. Camacho
Ms. Christine B. Addatu
🏆 Intellectual Property Champion Award
Dr. Jane S. Castillo
🏆 Perfect Attendance of the Year
Mr. Froilan C. Vinalay

Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng pasasalamat si Ms. Doreen C. Castillo, PRAISE Committee Chairperson, sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Gabi ng Parangal. Binati rin niya ang lahat ng awardees at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala bilang inspirasyon sa patuloy na pag-abot sa kahusayan. Aniya, “Recognition may be given in one special evening, but excellence is built every day.”

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga parangal na ito upang patuloy nating itaguyod ang kahusayan, dedikasyon, malasakit, at patuloy na pagpapabuti sa ating paglilingkod sa Batanes State College.

Congratulations to all our awardees! Your dedication makes BSC stronger.