Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng ASEAN, idinaos ngayong araw, Agosto 29, 2025, ang isang serye ng aktibidad na nagtatampok sa kultura at wika ng rehiyon at ng bansa.

Opisyal na sinimulan ang pagdaraos nitong umaga kung saan nagbahagi ng mensahe si Dr. Angelita H. Vargas, Acting Vice President, at kaniyang hinimok ang kalahatan na makilahok sa mga inihandang mga aktibidades ng kolehiyo para sa pagdiriwang.

Isa sa mga highlight ng programa ay ang ASEAN National Costume Presentation kung saan itinanghal ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento ang tradisyonal na kasuotan ng mga bansang miyembro ng ASEAN. Sinundan ito ng presentasyon ng mga tradisyonal na kasuotan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Bukod sa costume presentation, nagkaroon din ng iba pang patimpalak at aktibidad na naglalayong hikayatin ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kultura at wika. Nitong umaga, ginanap ang Quiz Bowl Competition, Digital Poster Making, at Pagsulat ng Sanaysay na siyang pinangunahan ng Teacher Education at Information and Communications Technology Department.

Samantala, naghanda rin ang mga mag-aaral mula sa Hospitality and Tourism Management (HTM) at Agriculture Department ng mga cultural food upang itampok ang iba’t ibang pagkain mula sa mga bansang ASEAN. Kasalukuyang nagaganap ang food tasting, kung saan ipinapatikim sa mga lalahok ang mga pagkain at huhulaan nila kung saan bansa ito nagmula.

Kasabay nito, inaasahang magsisimula naman ngayong hapon ang Mural Painting na pangungunahan ng Industrial Technology Department.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, inilunsad din ang ASEAN Passport, kung saan sa bawat aktibidad na lalahukan, makakakuha ang mga kalahok ng “stamp” sa kanilang passport.

Ang sinumang makakakumpleto ng sapat na bilang ng stamp ay maaaring hirangin bilang ASEAN Youth Ambassador ng kolehiyo, isang karangalang sumisimbolo sa pagiging aktibo at mapagmasid sa kultura ng rehiyon.

 

#BSC